IN PHOTOS: Ismael and Diane's wedding on 'Legal Wives'

GMA Logo Legal Wives

Photo Inside Page


Photos

Legal Wives



Nasaksihan na ang pangalawang kasal ni Ismael (Dennis Trillo) sa pinakabagong GMA Telebabad series na Legal Wives.

Ito ang kasal ni Ismael kay Diane (Andrea Torres), ang Kristiyanong minamahal niya.

Sandaling naghiwalay ang dalawa nang malaman ni Diane ang tungkol sa engagement at kasal ni Ismael kay Amirah (Alice Dixson), ang balo ng kanyang nakakatandang kapatid na si Nasser (Alfred Vargas).

Hindi kasi naintindihan ni Diane ang mga dahilan ni Ismael para pakasalan ang taong hindi niya mahal.

Ngunit nagpursigi si Ismael at muling sinuyo si Diane. Nagsimula din siyang ipaliwanag dito ang mas marami pang bahagi ng kanyang relihiyon at kultura.

Binigyan naman ni Diane ng pangalwang pagkakataon si Ismael. Ikinasal ang dalawa sa isang maliit na secret wedding.

Sa bahay mismo ni Ismael idinaos ang kasal at tanging bisita lang nila ay ang mga imam at mga malalapit nilang kaibigan tulad ni Abdul Malik at Lizzie.

Matutunugan naman ng ama ni Diane na si Cesar (Juan Rodrigo) ang tungkol sa kasal at agad itong susugod sa bahay ni Ismael.

Abangan ang magiging kuwento nina Ismael at Diane sa Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 'The World Between Us' sa GMA Telebabad.

Silipin ang ilang eksena mula sa kanilang secret wedding dito:


Groom
Bride
Lizzie
Abdul Malik
First kiss
Married
Father

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak