SNEAK PEEK: Farrah and Ismael's wedding on 'Legal Wives'

Isa sa pinakaaabangang eksena ng ng GMA Telebabad series na Legal Wives ang kasal sa pagitan nina Farrah (Bianca Umali) at Ismael (Dennis Trillo).
Si Farrah ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael. Bago sa kanya, ikinasal na rin ang lalaki kay Amirah--ang biyuda ng kanyang nakatatandang kapatid, at kay Diane--isang babaeng Kristiyano.
Papakasalan ni Ismael si Farrah para protektahan ito mula sa isang malagim na trahedyang sinapit ng dalaga. Sukli din ito ni Ismael sa ginawang pagtulong sa kanya ng matalik na kaibigan at ama ni Farrah na si Abdul Malik (Bernard Palanca.)
Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.
Huwag palampasin ang simula ng bagong buhay ni Farrah sa pagpapatuloy ng Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa kasal nina Farrah at Ismael, pati na ang ilang behind-the-scenes moments sa gallery na ito:






