What's on TV

Bianca Umali, nag-enjoy katrabaho si Dennis Trillo sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published June 3, 2021 11:47 AM PHT
Updated June 19, 2021 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


First time man silang maging co-stars, nag-enjoy si Bianca Umali na makatrabaho si Dennis Trillo sa 'Legal Wives.' Alamin kung bakit, DITO:

Masaya si Kapuso actress Bianca Umali na mapabilang sa isa na naman makabuluhang serye, ang cultural drama series na Legal Wives.

Bukod dito, masaya rin siyang makatrabaho for the first time si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

"It was exciting but at the same time medyo kinakabahan ako kasi napaka gagaling umarte ng isang Dennis Trillo. To have the opportunity to be in a scene and act with him beside you, not everyone has experienced that," payahayag ni Bianca.

Gaganap si Bianca sa serye bilang Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael na role naman ni Dennis.


"So ayun na, noong nasa eksena na kami, grabe! Sobrang natuwa ako kasi I was really looking forward to it. I really enjoy kapag na-e-experience ko 'yung trabaho ng magagaling na actor," lahad niya.

Habang hindi nagshu-shoot ng mga eksena, busy naman si Bianca sa pagwo-workout.

"May dala kong sarili kong equipment. Isang buong crate siya na puro weights and different equipment na magagamit ko. Mayroon akong barbell, dumbbell," kuwento ni Bianca.

Bukod dito, naglilibang dn siya gamit ang Tiktok habang nasa lock-in taping ng serye.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaking Mranaw ang tatlong magkakaibang babae para sa iba't ibang dahilan.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load nang maayos, panoorin na lang ito DITO.