
Ngayong July 26 na ang pinakaaabangang world premiere ng upcoming family drama na Legal Wives.
Malapit na ring matapos ang huling lock-in taping ng serye.
Ibinahagi ng isa sa mga lead stars nitong si Andrea Torres na natapos nang kunan ang mga eksena kung saan magkakasama nila Alice Dixson at Bianca Umali.
Ang tatlong aktres ang gumagana bilang tatlong asawa ni Ismael, karakter naman ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Sigurado daw si Andrea na maaaliw ang mga manonood sa pagsasama ng tatlong 'Legal Wives.'
"Although nagkakasama kami sa taping, lately lang 'yung mga eksenang talagang sabay sabay kaming tatlo sa isang eksena. Nakakatawa kasi ibang ibang characters, iba ibang personality 'yan mga yan, pinagsama sama mo. Nakakatawa 'yung eksena. Ayokong magbigay ng spoiler pero nakakaaliw," pahayag niya.
Inilarawan din niya ang kanyang karakter na si Diane, ang tanging Kristiyano sa tatlong asawa ni Ismael.
"Si Diane, grabe siya magmahal talaga. Hindi mo makukuwestiyon kung ano'ng kaya niyang gawin pagdating sa pagmamahal niya kay Ismael at sa marriage nila ni Ismael," paliwang ng aktres.
Samantala, gaganap naman si Alice Dixson bilang Amirah, ang unang asawa ni Ismael. Siya ang pinaka tradisyunal sa mga asawa at laging makakabangayan ni Diane dahil dito.
"Amirah is a very strong [woman]. I think she's a typical strong woman na regardless ng kanyang relihiyon, may paninidigan siya. Ang hirap para sa babae ang mag-share ng asawa. Kahit pa sabihin natin it's part of their religion, mayroon din of course mga time na nagka-clash kayo," ani Alice.
Looking forward na rin si Alice sa pagtatapos ng kanilang lock-in taping para makasama na ang kanyang anak na si Aura.
Araw araw naman daw niya itong nakikita via videocall pero iba pa rin ang makapiling ang anak lalo na at first time mom siya.
"I actually Instagrammed the other day because mayroon ako picture na may sunset. I said on the Instargam post, 'Every sunrise and sunset have even more meaning because of you.' And it's true. Everyday I wake up and I have something more to look forward to," lahad ni Alice.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Huwag din palampasin ang world premiere ng Legal Wives, ngayong June 26 na, pagkatapos ng the workd between us sa GMA Telebabad!
Mapapanood din ang simulcast nito sa digital channel na Heart of Asia. Available din ito sa GMA Pinoy TV para sa mga international viewers.