
Pinabilib ng aktres na si Ashley Ortega ang mga manonood ng Legal Wives kagabi, July 30, kung saan gumaganap siya bilang si Marriam.
Sa episode kagabi, sumugod ang ama ni Marriam na si Mayor Usman (Mon Confiado) sa bahay nina Ismael (Dennis Trillo) dahil sa kasinungalingang sinabi ni Marriam.
Dahil dito, maraming netizens ang nagalit sa karakter ni Ashley.
Komento ng ilan sa Twitter, "Nakaka-badtrip si Marriam. Obsessed ka ghorl?"
Nakaka-badtrip si Marriam. Obsessed ka ghorl? Dahil sa'yo magkaka-rido nakakaloka ka. Sineryoso mo yung sinabi ng Lolo mo. 😭 #LWKaguluhan
-- sy (@sygloss_) July 30, 2021
Nagkagulo na tuloy dahil sa kasinungalingan mo Marriam
-- Chen Zaii (@ChixStyle) July 30, 2021
Pesteng Yawa ka talaga!😡#LWKaguluhan
G! na G! na rin ba kayo sa kanya?
-- Shawn Andrew Torres (@ShawnAndrewTor2) July 30, 2021
Kudos to GMA👋👋👋#LWKaguluhan pic.twitter.com/FYwcaaXc47
Galit man ang mga manonood sa karakter ni Ysabel, pinuri naman nila ito bilang artista.
Tweet ng isa, "Ang galing-galing ni Ashley Ortega. Kuhang kuha niya ang pagiging duplicitous at scheming ng character ni Marriam!"
Ang galing-galing ni Ashley Ortega. Kuhang-kuha niya ang pagiging duplicitous at scheming ng character ni Marriam! 👏👏👏#LWKaguluhan
-- Kuya M (マロン。ミゲル) (@marlon_g_miguel) July 30, 2021
May mga Marriam talaga sa totoong buhay ng mga Mranaw. astagfirullah!! ang galing ni Ashley @ashleyortega sa role na yun!👏🏻 #LWKaguluhan
-- A 🥀 (@yoursunset23_) July 30, 2021
Ang galing ni Ashley Ortega bilang Marriam. Lead role na sana sa next series.#LWKaguluhan
-- VP Kreon (@VPKreon) July 30, 2021
Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.
Tampok dito sina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali at Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Tunghayan ang Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang stylish photos ni Ashley Ortega sa gallery na ito: