What's on TV

Ashley Ortega, masaya sa positibong reaksyon ng mga manonood bilang si Marriam sa 'Legal Wives'

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 4, 2021 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega as Marriam in Legal Wives


Isa rin ba kayo sa naiinis sa karakter ni Ashley Ortega sa 'Legal Wives' na si Marriam?

Maraming manonood ng Legal Wives ang humahanga ngunit naiinis kay Ashley Ortega, ang gumaganap na Marriam.

Si Marriam kasi ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng rido o clan war sa pagitan nina Ismael (Dennis Trillo) at Mayor Usman (Mon Confiado).

Kuwento ni Ashley sa 24 Oras, hindi niya inakala ang magiging reaksyon ng mga manonood.

Saad niya, "Sobrang entertaining nilang basahin, at saka hindi ko rin in-expect na talagang maaapektuhan sila nang sobra sa lahat ng ginagawa ko."

"May mga nababasa akong comments na, 'Ang sarap mong balibagin,' 'Ang sarap mong tirisin,' 'Ang sarap mong sampalin.'"

Dagdag pa ni Ashley, minsan ay natatakot na siya sa sinasabi ng mga manonood.

"Nababasa ko nga sa comments, medyo natatakot ako kasi parang gusto talaga akong saktan ng ibang mga tao."

Ngunit pangako ni Ashley, marami pang kasamaan ang kanyang gagawin bilang si Marriam.

Pagtatapos niya, "More kasinungalingan for Marriam, feeling ko marami na namang magagalit sa akin dahil gagawin ko ang lahat para maging asawa ni Ismael."

"At saka gagawin ko ang lahat para masira lahat ng legal wives."

Alamin kung paano pahihirapan ni Marriam ang buhay ni Ismael at ng mga asawa nito sa Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng The World Between Us.

Samantala, tingnan kung ano ang ginagawa ng Legal Wives stars habang naka-quarantine sa gallery na ito: