GMA Logo Legal Wives
What's on TV

'Legal Wives,' mapapanood na sa mas maagang timeslot simula August 30

By Marah Ruiz
Published August 25, 2021 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Legal Wives


Simula August 30, 8:00 pm na mapapanood ang GMA Telebabad series na 'Legal Wives.'

Mas maaga nang mapapanood ang 2021 milestone drama series na Legal Wives simula August 30.

Matutunghayan na ito tuwing 8:00 pm, pagkatapos ng 24 Oras.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Si Dennis Trillo ay ang Mranaw na si Ismael na mula sa isang marangyang angkan.

Si Alice Dixson naman ay si Amirah, ang biyuda ng kanyang nakakatandang kapatid ni Ismael at magiging una niyang asawa dahil sa obligasyon sa pamilya.

Si Andrea Torres naman ang pangalawang asawang si Diane, ang Kristiyanong nagpatibok ng puso ni Ismael.

Si Bianca Umali naman ay si Farrah, ang pinakabatang asawa at anak ng matalik na kaibigan ni Ismael. Pakakasalan niya ito para protektahan mula sa iskandalo.

Patuloy na tumutok sa mga lalong umiinit na mga eksena ng Legal Wives sa bago nitong oras simula August 30, 8:00 pm pagptapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Samantala, balikan ang naging kasal ni Ismael kina Amirah at Dianne sa galleries na ito: