GMA Logo Alice Dixson as Amirah
What's on TV

Alice Dixson teases her return to 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published October 5, 2021 2:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Alice Dixson as Amirah


May pa-sneak peek si Alice Dixson sa pagbabalik ng kanyang karakter na si Amirah sa 'Legal Wives.'

Excited na ang mga masugid na viewers ng GMA Telebabad series na Legal Wives sa napipintong pagbabalik ng karakter ni Alice Dixson na si Amirah.

Matatandaang lumayas si Amirah mula sa tahanan ng mga Makadatu nang malaman niyang ikakasal muli ang asawa niyang si Ismael (Dennis Trillo) sa mas batang si Farrah (Bianca Umali).

Bukod dito, itinatago rin niya ang sakit niyang cancer mula sa kanyang pamilya kaya nanatili muna siya sa Cotabato kasama ang kanyang amang si Assad (Tommy Abuel).

Pero nalalapit na ang pagbabalik ni Amirah sa buhay ng Makadatu!

Sa kanyang Instagram account, nabigay si Alice ng sneak peek sa pagbabalik ng kanyang karakter sa show.

Sa ilang behind-the-scenes photos ang ibinahagi niya, makikitang nakaupo si Amirah kasama si Diane (Andrea Torres) sa bahay ng mga Makadatu. May litrato din si Amirah kasama si Nuriya (Irma Adlawan) sa isang malawang na taniman at isa pang kung saan nakaupo siya sa isang wheelchair.

"Ang pagbabalik ni Amirah. Some BTS #legalwives @gmanetwork," sulat niya sa caption ng post.

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


May close up picture din si Alice kung saan makikita ang kanyang mga mata at isang malaking gintong singsing.

"Ang pagbabalik ni Amirah. Are you ready?" muling sulat niya sa caption.

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Habang wala si Amirah, nagsisimula nang magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawa pang asawa ni Ismael.

Ipaglalaban na ni Farrah ang karapatan niyang pagsilbihan si Ismael bilang asawa nito, habang nanaantili namang matigas at sarado ang isipan si Diane sa pagkakaroon ng iba pang asawa ni Ismael.


Ano ang mangyayari sa pag-uwi ni Amirah at paghaharap ng tatlong legal wives?

Abangan 'yan sa pagpapatuloy ng mga exciting na eksena ng Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Samantala, balikan ang makulay na kasal nina Ismael at unang asawa niyang isa Amirah sa gallery na ito: