
Nakarating na kay Kapuso Drama King Dennis Trillo ang ilang memes na naging reaction sa kanyang announcement na engaged na siya sa kanyang longtime girlfriend na si Ultimate Star Jennylyn Mercado.
Source: dennistrillo (IG)
Hindi kasi napigilan ng ilang views ng kanyang GMA Telebabad series na Legal Wives na iugnay ang development na ito sa buhay ni Dennis sa mga nangyari sa kanyang karakter sa show.
Matatandaang may tatlong asawa ang kanyang karakter sa show at may isa pang nagnanais din mapabilang sa kanyang mga legal wives.
Maging kay Jennylyn, nakarating na rin ang mga memes na nagsasabing siya ang mananaig at magiging nag-iisang legal wife.
Humanda sila….
-- jennylyn mercado (@MercadoJen) October 30, 2021
Paparating na ang tunay na (magiging) Legal Wife.
🤣🤣🤣
Panuorin ang proposal video sakin (at sakin lng) ni Ismael sa https://t.co/GPf8E3548E#DenJenRevealPart2 https://t.co/PGcnxwUnJq
Sa Kapuso ArtisTambayan at Home na ginanap kamakailan kung saan nakasama ni Dennis ang kanyang Legal Wives co-stars na sina Bianca Umali at Shayne Sava, ibinahagi ni Dennis na maging siya ay naaaliw sa imahinasyon ng mga netizens.
"Nakakatawa rin kasi parang naghalo 'yung mga totoong characters doon sa character ko sa TV 'di ba? Nakakatawa kasi ang galing din noong pagkakagawa ng meme, parang totoo na nag-join siya doon sa conversation. Ang awkward ng dating pero nakakatawa. Okay naman," pahayag ng aktor.
Naaliw din si Bianca dahil tila may color assignment din si Jennylyn tulad ng asawa ni Ismael sa show.
"Sakto na green heart pala talaga kayo, Kuya Dennis and Ate Jen. Green heart pala talaga ang ginagamit niyo sa social media. Sumakto na may yellow, red, blue, tapos kayo 'yung green pala na totoo," lahad ni Bianca.
Panooring ang buong kuwentuhan nila sa Kapuso ArtisTamabayan at Home dito:
Samantala, huwag palampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
Silipin din kung paano nag-propose si Dennis kay Jennylyn sa gallery na ito: