
Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Telebabad series na Legal Wives, natuto na ring magkasundo at magkaisa ang mga asawa ni Ismael--ang karakter na ginagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Magkakaiba ang ugali at dahilan ng pagpapakasal ni Ismael kina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres) at Farrah (Bianca Umali) kaya naman hindi pa rin maiwasang maitanong kay Dennis kung sino sa tatlong ito ang kanyang pipillin.
Sa personal na opinyon ni Dennis, pipiliin daw niya ang taong nagpapangiti kay Ismael.
"Pipillin ko si Farrah dahil masasaya 'yung mga nagawa naming eksena. Magkakahalong kilig, drama, masasayang eksena-- sigurado dahil doon kaya pipillin ko siya," pahayag ni Dennis.
Sa dami daw kasi ng pagsubok sa buhay ni Ismael, bihira itong mapangiti.
"Bihira sa character ni Ismael na mayroon siyang ngiti sa mukha niya. Natutuwa ako na 'pag may eksena kami ni Farrah, napapangiti siya. Bihira ko siya makita na ganoon kaya [si Farrah] 'yung pipillin ko. Importante 'yung character na magbibigay ng saya doon sa isang character," paliwanag ng aktor.
Ikinatuwa naman ito ni Bianca Umali na nagbigay-buhay kay Farrah sa serye.
"Nahiya ako. Thank you. Nakakatuwa kasi 'yung kung paano 'yung naging chemistry ni Ismael at saka ni Farrah and how people are so in love with the both of them are very unexpected. Kahit ako, hindi ko inakala," pahayag naman ni Bianca.
Aminado siyang hindi niya alam kung magiging maganda ang tanggap ng viewers sa kanilang tambalan noong simula.
"Even when I still reading the script noong wala pang taping, I would overthink. Hindi ko alam kung paano 'yung magiging execution, kung paano iaarte especially when I'm with kuya Dennis. Ngayon na ganito, and hearing it from Ismael himself, very flattering and honored. Maraming salamat po kasi I also had so much fun working with you, kuya Dennis," lahad ng aktres.
Tulad ni Bianca, hindi rin inasahan si Dennis ang mainit na pagtanggap kina Ismael at Farrah bilang mag-asawa.
"Sila 'yung unexpected na couple na hindi mo aasahan na mayroon pa ring magkakagusto, na may susubaybay doon sa kwento nila. Nakakaktuwa na nag-work itong pairing namin ni Bianca dahil siyempre ako parang kuya na niya 'ko pero nagkaroon pa rin kami ng chemistry at nakapag-portray ng mag-asawa. Doon pa lang, medyo proud na 'ko mission accomplished kami pareho," ani Dennis.
Huling linggo na ng Legal Wives kaya tunghayan ito pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
Samantala, silipin ang kasal ng mga karakter nina Dennis at Bianca na sina Ismael at Farrah sa eksklusibong gallery na ito: