GMA Logo Abdul Rahman
What's on TV

Abdul Raman, aminadong napagalitan ni Cherie Gil sa set ng 'Legal Wives'

By Marah Ruiz
Published November 10, 2021 7:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Abdul Rahman


Inamin ni Abdul Raman na minsan siyang napagalitan ni Cherie Gil habang nagte-taping para sa 'Legal Wives.' Alamin ang dahilan, DITO:

Very memorable daw para kay young Kapuso actor Abdul Raman ang GMA Telebabad series na Legal Wives.

Ito kasi ang unang regular teleserye niya matapos ang lumahok sa ika-pitong season ng reality artista search na StarStruck.

Naging mas in touch din daw siya sa kanyang relihiyon dahil sa tema ng show kung saan naipakita ang kultura ng mga Mranaw at pati ang ilang bahagi ng Islam.

Photo Source: abdulraman23_

Very memorable din para kay Abdul na makatrabaho dito ang beteranang aktres na si Cherie Gil na nagsilbi bilang isa sa mga judges niya sa StarStruck.

Aminado si Abdul na minsan siyang napagalitan nito habang nasa lock-in taping.

"I went to the set, late na po ako. Masaya pa 'ko noong una tapos napansin ko bakit parang tahimik? Galit ba sila sa akin kasi hindi ko na-realize na sobrang late na pala ako. I remember napagalitan ako ni Ms. Cherie kasi late daw po ako," dagdag niya.

Bukod sa pagiging late, hindi pa na-memorize ni Abdul nang maayos ang kanyang script.

"Kasi on the spot po, may pinalitan po sa script. Nagulat po ako, sa akin lang 'yung iniba--pinahaba like five to ten times mas mahaba than it actually is. Malalim na Tagalog po siya. Ano nga ba 'yung word na 'yun? 'Gantimpala' which is reward, if I remember correctly," kuwento niya.

Hindi naman ito minasama ng kanyang co-stars dahil alam nilang hindi siya bihasa sa Tagalog.

"On the spot kinakabahan ako, rattled na nga ako dahil napagalitan na 'ko. 'Yung scene po basically was me explaining to Tito Al, si Hasheeb, 'Kaya po ako nandito kasi gusto ko pong makatulong sa inyo kasi alam ko po malaki ang reward ko kapag tumulong po ako sa isang Muslim scholar.' Pero that's the thing eh, hindi ko po maalala 'yung word na 'gantimpala,'" lahad ni Abdul.

Kaya naman naging biruan na lang ang pagkakamaling ito sa set nila.

"Ang nangyari po, sabi ko lang,'Kaya po ako nandito kasi gusto ko pong makapagsilbi sa inyo kasi alam ko po na malaki ang aking... malaki ang aking...' Hindi na po nakapigil si Ms. Cherie and natawa na lang po sila. Sabi niya, 'Malaki iyong ano?' Ayun po. I cannot forget that po. Sana nga po ma-include po nila sa bloopers 'yun eh," natatawang paggunita ni Abdul.

Gumaganap si Abdul sa serye bilang si Hammad, isang ulila na napunta sa Maynila dahil sa gulo sa Marawi.

Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Legal Wives, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.