What's on TV

Dennis Trillo, proud sa pagdating ng 'Legal Wives' sa Netflix

By Marah Ruiz
Published May 20, 2022 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Masaya si Dennis Trillo na mapapanood na Netflix ang family drama na 'Legal Wives.'

Simula May 20, mapapanood na sa popular streaming platform na Netflix ang Legal Wives, isang family drama series mula sa GMA Telebabad.

Masaya ang lead star nitong si Dennis Trillo na mas marami pang makakapanood ng serye na ipinagmamalaki niya at ng lahat ng bumubuo nito.

"Excited kaming lahat at sobrang proud na napunta na sa ibang platform 'yung programa namin. Naitawid namin itong show na 'to. Ginawa namin 'to sa gitna ng pandemic kaya siguro mas nakaka-proud," pahayag ni Dennis.

Gumanap si Dennis sa serye bilang Ismael, isang Mranaw na papakasalan ang tatlong magkakaibang babae para sa magkakaibang dahilan.

Kasama niya sa serye sina Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali at marami pang iba.

Samantala, isa pang bagay na gustong ipagmalaki ni Dennis ang pagiging hands-on daddy sa newborn baby nila ng misis at kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado.

Jennylyn Mercado and Baby D

"Kailangan mabalanse mo 'yun--magawa mo 'yung roles mo bilang mabuting asawa saka mabuting ama na hindi ka nagkukulang," paliwanag ng aktor.

Ibinahagi ni Dennis na siya ang nakatoka na mag-aalaga sa anak tuwing madaling araw.

"Mas matibay ako sa mga puyatan so usually 'pag madaling araw, 'yun 'yung shift ko. 'Yun 'yung time na sa simula pa lang, pero ngayon medyo naayos na namin 'yung routine ni Baby D," kuwento niya.

Saludo din daw siya Jennylyn na hindi maikukumpara ang lahat ng sakripisyo para sa kanilang baby.

"Iba 'yung pagod ng nanay e. Ako nandito lang ako para sumuporta, taga-alalay. Pero para sa akin, nagtatrabaho nang husto diyan 'yung nanay. Kaya talagang bilib ako sa kanya, saludo ako at wala akong masabi sa lahat ng mga ginagawa niya para dito sa pangarap namin na natupad," lahad ni Dennis.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, bukod sa Netflix, mapapanood din ang Legal Wives nang buo at libre sa official website ng GMA Network. Bumisita lang sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Maaari din itong i-stream sa official mobile app ng GMA Network.

Samantala, balikan ang ilan sa notable TV roles ni Dennis Trillo sa gallery na ito: