GMA Logo Jo Berry in Lilet Matias Attorney At Law
What's on TV

Jo Berry, mahal na si Lilet Matias matapos ng isang matinding eksena

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 13, 2024 2:22 PM PHT
Updated March 14, 2024 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry in Lilet Matias Attorney At Law


'Sa tuwing may bago akong character na gagampanan, hinihintay ko 'yung pagkakataon na mararamdaman ko na mahal ko na siya. Kay Lilet, ito 'yun,' saad ni Jo Berry sa isa niyang matinding eksena sa 'Lilet Matias, Attorney-At-Law.'

Maipagmamalaki na ngayon ng aktres na si Jo Berry na mahal niya ang karakter niyang si Lilet Matias matapos nilang gawin ang isang matinding eksena.

Sa episode ng Lilet Matias, Attorney-At-Law, lumayas na sina Lilet at ang kanyang tinang na si Ces (Glenda Garcia) sa bahay ng mga Engano ngayong nalaman na nina Patricia (Sheryl Cruz) at Trixie (Zonia Mejia) na anak siya ni Ramir (Bobby Andrews).

Bago pa man tuluyang umalis sa bahay ng mga Engano, dinala na ni Patricia si Lilet sa isang liblib na lugar kasama ng kanyang maleta. Habang naghahanap ng masisilungan, biglang bumuhos ang malakas na ulan na lalong nagpahirap kay Lilet.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jo ang kanyang karanasan habang kinukunan ang matinding eksenang ito.

"Halos buong gabi akong basa sa rain effect. Emosyonal 'yung eksena, umakyat ako ng hagdan na may dalang maleta at marami pang pahihirap," pagbabalik-tanaw ni Jo sa Instagram.

"Tapos 'pag hindi pa nagte-take tawa ako nang tawa dahil kinukulit ko 'yung mga tao sa likod ng camera.

"Yes, nabasa din po 'yung direktor namin dahil imbes na iutos niya, siya talaga 'yung humawak ng hose para sa rain effect."

Dahil sa eksenang ito, masasabi na ni Jo na napamahal na sa kanya si Lilet Matias.

"Sa tuwing may bago akong character na gagampanan, hinihintay ko 'yung pagkakataon na mararamdaman ko na mahal ko na siya. Kay Lilet, ito 'yun."

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)

Ano kaya ang mangyayari ngayong umalis na sina Lilet at Ces sa bahay ng mga Engano?

Panoorin ang mas lalong gumaganda at kapana-panabik na mga eksena sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, Lunes hanggang Biyernes, 3:00 P.M. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Mapapanood rin ito online via Kapuso Stream.