
Kinilala ang GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law bilang Most Outstanding Drama on Disability Rights and Inclusion ng Peoples' Legacy Awards.
Binigyan ng parangal ang Lilet Matias, Attorney-At-Law para sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa karapatan ng mga persons with disabilities.
Pinagbibidahan ni Jo Berry ang nasabing palabas kung saan gumaganap siya bilang isang abogado.
Kinilala rin si Jo bilang Most Outstanding Celebrity/Influencer Advocate Award.
Mapapanood ang Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream.