
Sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, nasabi na ni Ramir (Bobby Andrews) kay Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan) na anak nila si Lilet (Jo Berry).
Kahit may iniindang sakit, nakarating si Ramir sa opisina ni Meredith kung saan nagkita sila sa lobby. Kahit hirap magsalita, nasabi na ni Ramir na anak nilang dalawa si Lilet.
Nauna nang nalaman ng isa pang anak ni Meredith na si Aera (Analyn Barro) ang totoong pagkatao ni Lilet dahil sinabi na ito sa kanya ng asawa ni Ramir na si Patricia (Sheryl Cruz).
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Aera, at ng isa pang half-sister ni Lilet na si Trixie (Zonia Mejia) ngayong alam na ni Meredith na siya ang tunay na ina ni Lilet?
Alamin ang sagot sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ito online via Kapuso Stream.