
Sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, nagharap na ang dalawang ina ni Lilet (Jo Berry) na sina Ces (Glenda Garcia) at Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan).
Matapos sabihin ni Ramir (Bobby Andrews) kay Meredith na siya ang tunay na ina, tinangka niyang sabihin agad ito kay Lilet pero dahil kare-resign niya lang sa trabaho, napangunahan ng galit si Lilet bago niya marinig ang sasabihin ni Meredith.
Dahil dito, dumiretso na si Meredith kay Ces, ang kinikilalang ina at nagpalaki kay Lilet, upang direktang tanungin kung siya ang tunay na ina nito.
Dahil sa matinding eksenang ito, pinuri sina Mariciel at Glenda ng netizens at sinabing ganyan ang "acting showtime" sa pagitan ng dalawang beteranang aktres.
Bukod sa magagandang reaksyon online, tinutukan rin ito ng mga manonood sa telebisyon. Ayon sa NUTAM People Ratings, nakakuha ng 10.5 percent ang Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Ano kaya ang mangyayari ngayong alam na ni Meredith na siya ang tunay na ina ni Lilet? Papayag kaya si Ces na ipa-DNA ang mag-ina para malaman nila pare-pareho ang totoo?
Alamin ang sagot sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.