
Tampok sina Rhian Ramos, Rodjun Cruz, at Allen Dizon sa bagong kasong hahawakan ni Atty. Lilet Matias (Jo Berry) sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law.
Ang pinakabagong kasong hahawakan ni Atty. Lilet ay tungkol sa magkakapatid na Mia (Rhian), Ramon (Rodjun), at Tomas (Allen) na nag-aagawan sa lupang ipinamana ng kanilang magulang.
Tatanggapin kaya ni Atty. Lilet ang kaso ng magkakapatid lalo na't hindi maayos ang relasyon nila ng kapatid niyang si Atty. Aera (Analyn Barro)?
Panoorin ang Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.