GMA Logo Rita Avila in Lilet Matias Attorney At Law
What's on TV

Lilet Matias, Attorney-At-Law: Lorena, magbabalik na para sa hustisya ni Inno

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 13, 2025 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte says 'there is hope' for PH amid public frustrations
Bianca Umali travels to Seoul
XU, CLI welcome DENR-10 resolution affirming rights to Manresa property

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Avila in Lilet Matias Attorney At Law


Magbabalik na si Lorena (Rita Avila) para ipagpatuloy ang paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Inno (Joaquin Domagoso).

Sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, magbabalik na si Lorena (Rita Avila) para hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak na si Inno (Joaquin Domagoso).

Sa teaser ngayong Lunes, January 13, magkikita sina Lorena at Trixie (Zonia Mejia) sa puntod ni Meredith. Tahasang sinabi ni Lorena kay Trixie na kung sino ang pumatay kay Meredith (Maricel Laxa-Pangilinan) ay siya ring pumatay kay Inno.

Ang hindi alam ni Lorena, alam na ni Trixie na ang kanyang inang si Patricia (Sheryl Cruz) ang tunay na pumatay kay Meredith. Maniwala kaya siya na si Patricia rin ang pumatay kay Inno?

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang paghihinala ni Lilet kay Atty. Renan Alon (Tom Rodriguez) kung ano ang itinatago nitong sikreto, lalo na't may gustong sabihin sa kanya si Sabrina (Maxine Medina).

Abangan ang mga matinding rebelasyon na 'yan sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.