
Ipinamalas ng aktor na si Tom Rodriguez ang kanyang galing sa pagdo-drawing nang gumawa siya ng isang digital sketch ni Atty. Lilet Matias na ginagampanan ni Jo Berry.
Sa Instagram stories, proud na ibinahagi ni Tom ang kanyang black-and-white drawing na ginawa niya sa kanyang iPad.
Agad naman itong ni-report ni Jo at nagpasalamat sa kanyang co-star sa GMA Afternoon Prime legal-drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law .
"Ang Cuteee! Thank you @akosimangtomas," pasasalamat ni Jo.
Patindi nang patindi ang mga eksena sa Lilet Matias, Attorney-At-Law ngayong alam na ni Atty. Aera (Analyn Barro) na isang manloloko si Atty. Renan.
Patuloy na abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Lilet Matias, Attorney-At-Law, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
RELATED GALLERY: Pinoy celebrities who are also brilliant artists