
Mapapanood ang aktor na si Rafael Rosell sa GMA Afternoon Prime legal drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law bilang si Atty. Alex Romantico.
Si Alex ay ang magiging abogado ni Atty. Renan Alon (Tom Rodriguez) na nakakulong dahil siya ang tinuturo sa pagpatay kay Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa-Pangilinan).
Sa teaser na inilabas ngayong January 23, direktang ituturo ni Renan si Patricia (Sheryl Cruz) na siyang tunay na pumatay kay Meredith.
Bukod kay Rafael, bigatin rin ang magiging abogado ng pinagbibintangang niyang si Patricia.
Alamin kung sino 'yan sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.