
Magbabalik na sa telebisyon ang hit legal drama series na Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Unang napanood ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na pinagbibidahan ni Jo Berry noong 2024 sa GMA Afternoon Prime. Tampok sa Lilet Matias: Attorney-At-Law ang kuwento ni Lilet na tumutulong sa mga naaapi at ipinaglalaban ang katarungan.
Simula July 20, muling masusubaybayan sa telebisyon ang hit Kapuso series sa GTV. Kasama ni Jo sa kauna-unahang legal drama series sa Pilipinas ang mga batikang artista na sina Sheryl Cruz, Rita Avila, Bobby Andrews, Jason Abalos, Lloyd Samartino, Troy Montero, Glenda Garcia, Sharmaine Santiago, Ariel Villasanta, at Maricel Laxa-Pangilinan.
Kabilang din sa cast ng programa sina EA Guzman, Analyn Barro, Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Jenzel Angeles, at Hannah Arguelles.
Huwag palampasin ang muling pagbabalik ng Lilet Matias: Attorney-At-Law sa telebisyon simula July 20, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m., sa GTV.
SAMANTALA, BALIKAN ANG CAST NG 'LILET MATIAS: ATTORNEY-AT-LAW':