Sa GMA Afternoon Prime series na 'Lilet Matias, Attorney-At-Law,' isang taong malapit sa buhay ni Atty. Lilet Matias (Jo Berry) ang mamamatay.
Sa 30-second teaser, maririnig ang putok ng baril at makikita ang paa ng isang taong nakadapa.
Base sa nasabing video, si Lilet ang mapagbibintangang pumatay sa taong ito kaya haharapin niya ang pinakamalaking kaso sa buhay niya, ang People of the Philippines v. Lilet Matias.
Sa iyong palagay, sino ang malapit na tao sa buhay ni Lilet ang mamamatay?