Sa GMA Afternoon Prime series na 'Lilet Matias, Attorney-At-Law,' ang masaya sanang selebrasyon ng kaarawan ni Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa-{Pangilinan) ay napalitan ng kalungkutan.
Sa engandeng selebrasyon ng kanyang kaarawan, nagkapatawaran na ang mag-iinang sina Atty. Meredith, Atty. Lilet (Jo Berry), at Atty. Aera (Analyn Barro).
Kung may masasayang sandali, hindi ito nagtagal dahil dumalo rin sa selebrasyon ang mga karibal ni Meredith na sina Patricia (Sheryl Cruz) at Lorena (Rita Avila).
Bago pa man matapos ang party, nagmamadali nang umuwi si Meredith sa kanyang bahay. Matapos ang ilang saglit, pumunta rin si Atty. Lilet sa bahay ni Atty. Meredith pero naabutan na niya ang bangkay nito.
Sino kaya ang posibleng pumatay kay Atty. Meredith?