Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA Afternoon Prime legal-drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law, marami ang nag-aabang kung ano ang magiging kapalaran ni Lilet bilang isang abogado.
Kasalukuyan nang nililitis ang kaso ni Patricia (Sheryl Cruz) sa pagpatay niya sa ina ni Lilet na si Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa-Pangilinan).
Sa karera ni Lilet, naging parte na siya ng malaking law firm at nagsilbi bilang abogado ng Public Attorney's Office. Hindi rin nakalimot si Lilet sa pagtulong sa mga nangangailangan ng legal advice.
Pagkatapos ng kaso ni Patricia na kasalukuyang pinagtatrabahuhan ni Lilet ngayon, ano sa tingin n'yo ang magiging kapalaran ni Lilet bilang abogado?