
Sa unang pagkakataon, hindi lang dalawa kundi tatlo ang maglalaban sa stage ng Lip Sync Battle Philippines!
Ang unang sasabak sa three-way battle ay sina actor and basketball player Andre Paras, wonder twins Mavy at Cassy Legaspi, at Kapuso actress Sanya Lopez.
Confidence booster daw para kay Andre ang nalalapit niyang performance para sa Lip Sync Battle Philippines.
"It helped me boost my confidence also kasi I've never had a prod wherein I performed for more than two minutes so it's gonna be very exciting," pahayag ni Andre.
Excited na rin ang kambal na sina Mavy at Cassy, pero parang mas excited pa raw kaysa sa kanila ang mga magulang nilang sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
"They were more excited than us. It was so funny," ani Cassy.
"She's one of their favorite artists so we're just excited that we're performing one of their favorite artists," dagdag naman ni Mavy.
Marami naman daw inihanda si Sanya kaya kaabang-abang ang magiging mga performances sa episode.
"'Yung rehearsal namin medyo mahirap talaga. Nahirapan ako sa pa-table nila, sa pa-hubad eme," kuwento niya.
Panoorin ang buong pre-show interview nina Sanya, Andre, Mavy at Cassy.