
Sa naganap na "Kapuso Kwentuhan Live" para sa pinakabagong Afternoon series na Little Princess, ibinahagi nina Rodjun Cruz at Juancho Trivino ang hirap na mawalay sa kanilang mga anak lalo na kapag sasalang sa lock-in taping.
"Isa sa pinakamahirap dahil nu'ng pandemic kasama namin sila Baby Joaquin, si Eliam at mga wife namin, so adjustment talaga para sa amin na 40 days kaming away from them.
"Mahirap dahil hindi kami laging naka-monitor. Good thing mayroon tayong social media at internet so everyday nakakapag-report kami. Sa amin, ni Juancho kaya pinagbubutihan din namin 'yung mga ginagawa namin, talagang inspired kami dahil sa kanila. Lahat naman 'to para sa kanila," pagbabahagi ni Rodjun.
Ayon kay Rodjun, malaki ang pasasalamat niya sa cast ng Little Princess na nagbigay nang kasiyahan at suporta sa kanya.
"Thankful lang din ako dahil 'yung 'Little Princess' cast isang pamilya kami roon so mas naging madali para sa amin. Kami ni Juancho talagang nagsusuportahan kami niyan sa mga pinagdadaanan din namin," dagdag niya.
Ikinuwento naman ni Juancho ang naging plano nila ni Rodjun bago magsimula ang lock-in taping. "Actually, bago kami pumasok ng lock-in taping pinag-usapan na namin ni Rodjun 'yan. At ang unang plano kasi talaga na magka-roommate kami."
Dagdag niya, "Mahirap lang syempre lalo na sa mga asawa namin kasi naka-rely rin talaga silang dalawa sa amin. It was really difficult. Bawi-bawi na lang ngayon."
Abangan ang Little Princess, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, tingnan ang cutest photos ng anak ni Juancho Trivino na si Alonso Eliam sa gallery na ito: