
Sa kanyang pagbabalik-acting, kontrabida agad ang ginagampanang role ng singer-actress na si Geneva Cruz.
Si Geneva ang main villain sa bagong GMA afternoon drama na Little Princess, kung saan gumaganap siya bilang Odessa Montivano, ang rich and influential wife ni Marcus (Jestoni Alarcon.
Odessa has everything except her husband's love. Nag-umpisang lumabo ang relasyon ng mag-asawa nang mamatay ng kanilang anak. Lalon pang malalagay sa peligro ang kanilang pagsasama dahil madidiskubre ni Marcus na may love child siya, si Princess, na ginagampanan ni Jo Berry. Kaya gagawin ni Odessa ang lahat para hindi si Princess ang pumalit sa posisyon ng mister niya bilang CEO ng kumpanya nito.
Dahil ito ang acting comeback ni Geneva, memorable ito para sa kanya dahil sa mga eksenang ginawa nila para sa Little Princess.
Tulad na lamang ng kanyang bed scene kasama si Marx Topacio na ipinalabas noong Miyerkules, January 12. Gumaganap si Marx na kerida ng karakter ni Geneva sa Kapuso soap opera.
Ayon kay Geneva, ito ang unang beses na gumawa siya ng bed scene sa loob ng 33 taon niya sa industriya.
Rebelasyon niya sa kanyang Instagram account, "This was my first bed scene, as in scene sa bed lang pala so… yahooo. Hehe! Thankful to Unit 2's super director Linette Z. and my co-actor @marx_topacio for their patience in guiding me."
Sa parehong post, mapapanood na ipinapaliwanag ni Geneva sa kanyang bunsong anak na si London ang kanyang trabaho bilang artista. Bilang Odessa, requirement na manigarilyo si Geneva para sa kanyang role.
Bahagi ng aktres, "I thought I was ready for my daughter's reaction, but I really wasn't. But in a way, I'm glad that my @londonleecruz knows that being a mean person is not to be cheered upon, and though not all people who smoke are bad... cigarette smoking really is dangerous to your health, plus, it stinks!"
Mapapanood ang Little Princess weekdays, 3:25 p.m., sa GMA.
Maaari ring mapanood ang full episodes nito sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, tingnan ang sexiest photos ni Geneva rito: