What's on TV

Little Princess: Jaxon friendzoned na, itinuring pang kapatid ni Princess

Published March 21, 2022 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

little princess characters


"Ang sakit," sabi ni Jaxon habang ginagamot ni Princess ang kanyang mga sugat.

Love conquers all talaga kaya naman handang ibuwis ni Jaxon (Rodjun Cruz) ang kanyang buhay para kay Princess (Jo Berry) sa inaabangang drama sa hapon na Little Princess.

Sa nakaraang linggo ng GMA drama series, absuwelto na si Princess sa mga paratang ni Odessa (Geneva Cruz) sa tulong ni Jaxon.

Hinabol ni Jaxon ang lalaking nagdidiin kay Princess para mapaamin ito na walang kasalanan ang kanyang kaibigan na inakusahang mastermind sa pagdakip kay Odessa.

Nakahinga nang maluwag si Princess matapos malinis ang kanyang pangalan kaya labis ang kanyang pasasalamat sa kaibigang si Jaxon.

Mahigit sa kaibigan ang turing sa kanya ni Jaxon kaya kahit pa magtamo ng mga sugat ay walang problema sa kanya basta maproteksyunan ang una na gusto niya noon pa.

Mahigit sa kaibigan din naman ang turing ni Princess kay Jaxon pero hindi katulad ng nararamdaman ng huli dahil kapatid ang tingin niya sa kanyang kababata.

"Ang sakit," sabi ni Jaxon habang ginagamot ni Princess ang kanyang mga sugat.

Wala na bang chance si Jaxon sa puso ng kaibigan?

Subaybayan 'yan sa Princess sa Little Princess weekdays, 3:25 ng hapon sa GMA.

Kung hindi mo man ito mapanood sa telebisyon, mapapanood din ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Samantala, ngayong nagsimula na ang corporate leadership ni Jo Berry sa Little Princess, silipin dito ang cute transformation niya as CEO sa GMA afternoon drama: