"Maraming maraming salamat po sa lahat ng pangaral na itinuro nyo sa’min ni Alden at sa lahat ng manunuod lalong lalo na sa mga kabataan" - Yaya Dub By CHERRY SUN
Kahapon (November 14) ay ipinagdiwang ang kaarawan ni Lola Nidora.
Tunay na na-touch siya sa sorpresang inihanda para sa kanya, ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat. Ang kanyang paboritong apo na si Divina Ursula o Yaya Dub kasi ay ibinahagi pa online ang kanyang mensahe para sa kanyang lola.
“Happy birthday, Lola Nidora. Maraming maraming salamat po sa lahat ng pangaral na itinuro nyo sa’min ni Alden at sa lahat ng manunuod lalong lalo na sa mga kabataan,” panimula niya.
Ipinahayag din ni Yaya Dub kung gaano kahalaga para sa kanya ang kanyang lola. Sambit niya, “Kayo na po ang nagsilbing ina, ama, ate at kuya sa akin, at lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng aral at kwentong naipamahagi niyo sa amin.”
“Hindi nyo po alam kung gaano karaming tao ang natutulungan nyo sa bawat pangaral na inihahayag niyo araw-araw. Maraming salamat po, Lola Nidora. Mahal ka po naming lahat,” patuloy niya.