
Naghahanda na para sa ikalawang season nito ang dambuhalang adventure-serye na Lolong.
Pinagbidahan ito ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid at kuwento ito ng pambihirang pagkakaibigan sa pagitan ng isang tao at ng isang dambuhalang buwaya.
Sa paghananda ng Lolong para sa season 2 nito, naghahanap ang programa ng mga bagong child actors na magiging bahagi ng serye.
Naglabas ang programa ng casting call para sa isang batang lalaki at isang batang babae na nasa pagitan ng anim at siyam na taong gulang.
Requirement din na gusto talaga ng bata ang mag-artista at "hindi pinilit nina Mama at Papa."
Sa ngayon, hindi na muna kailangang pumunta sa tanggapan ng GMA Network at GMA Public Affairs para mag-audition.
Kailangan lang ihanda ang mga sumusunod:
1. Isang whole body picture
2. Isang close up picture
3. Two-minute video kung saan maipapamalas ang acting skills at maikling kuwento kung bakit gusto mong mapasama sa Lolong Season 2
Ipadala ang photos at videos na yan sa season2.lolong@gmail.com at ilagay sa subject line ang [LOLONG 2 CASTING CALL] para mas madali itong makita ng production staff.
Ilakip din sa email ang ang pangalan, address at cellphone number nina Mama at Papa.
Hinirang ang Lolong bilang 2022's Most Watched TV show in the Philippines.
Pumatok ang serye sa mga manonood dahil sa maaksiyong eksena nito pati na ang magandang mensahe nito tungkol sa kalikasan.
Hindi lang sa Pilipinas ang naging pagsikat ng Lolong dahil nakarating pa ito sa Indonesia kung saan ipinalabas ito sa major free-to-air network na ANTV sa ilalim ng pamagat na Dakkila.
Magbabalik para sa Season 2 ng Lolong si Ruru Madrid bilang bida ng serye, kasama ang mga ilang mga bago pang karakter.
Abangan ang pagbabalik ng Lolong sa ikalawang season nito, soon on GMA.