GMA Logo Rufa Mae Quinto
Photo: rufamaequinto (Instagram)
What's on TV

Rufa Mae Quinto, mapapanood sa 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published June 10, 2025 2:54 PM PHT
Updated June 10, 2025 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Rufa Mae Quinto


Alamin kung anong karakter na gagampanan ni Rufa Mae Quinto sa 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Bagong adisyon si actress and comedienne Rufa Mae Quinto sa primetime action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Gaganap siya dito bilang Gigi, babaeng ililigtas ni Badong (Ketchup Eusebio) mula sa pangho-holdap.

Anong panibagong hamon kaya ang dala ni Gigi sa pondohan?

Samantala, sumugod na si Lolong (Ruru Madrid) sa kuta ni Ivan (Martin del Rosario) para mabawi si Elsie (Shaira Diaz). Maliligtas kaya niya ito at ang batang dinadala nito lalo ngayong kumpirmado nang siya ang ama?

Natunton na rin ni Emilio (Dindo Arroyo) si Aya (Rabiya Mateo) kaya pupunta ito sa pondohan kasama ang mga armadong lalaki.

Patuloy ding guguluhin ni Ester (Vaness del Moral) si Tetet (Elle Villanueva) ngayong mas lalo pang nagtatagumpay ang karinderya business nito.



Abangan 'yan sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.