IN PHOTOS: Off-duty moments sa lock-in taping ng 'Lolong'

Ongoing na ang lock-in taping ng upcoming action-adventure series na Lolong.
Kuwento ito ng binatang si Lolong na may kakaibang kakayanang makipag-usap sa isang dambuhalang buwayang si Dakila.
Isang hacienda resort sa Quezon ang nagsisilbing set ng serye.
Pagbibidahan ito ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.
Magiging leading ladies naman siya sa serye sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.
Bukod sa kanila, bahagi din ng bigatin at star-studded cast sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle Pangilinan, Ian de Leon, Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor.
May special participation din sa serye sina Leandro Baldemor and Priscilla Almeda.
Sa laki ng cast nito, todo ang bonding at kulitan nila tuwing day off o sa pagitan ng mga takes ng eksena.
Silipin ang kanilang buhay sa lock-in taping sa gallery na ito.









