GMA Logo Ruru Madrid
What's on TV

Ruru Madrid, tuloy pa rin ang paghahanda para sa upcoming Kapuso show na 'Lolong'

Published October 5, 2020 6:25 PM PHT
Updated June 2, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Nagbahagi ang Kapuso leading man na si Ruru Madrid ng ilang detalyeng dapat abangan para sa kaniyang upcoming GMA Public Affairs show na 'Lolong'

Nakasama ng Kapuso leading man na si Ruru Madrid ang ilang miyembro ng Kapuso Brigade para sa isang Kapuso Brigade ZOOMustahan.

A post shared by Jose' Ezekiel Madrid (@rurumadrid8) on

Dito ikinuwento ni Ruru ang kaniyang ginagawa upang mapaghandaan ang kaniyang role para sa upcoming GMA Public Affairs show na Lolong.

Aniya, "Pinagpepe-prepare nila ako for Lolong, kailangan 'yung katawan ko sobrang ready dito sa project na 'to kasi medyo madugo siya."

Ayon sa Kapuso actor, hango raw ang kuwento ng Lolong sa kapangalan nitong buwaya, na isa sa mga pinakamalaking saltwater crocodiles sa buong mundo.

Kakaiba rin daw ang project na ito para kay Ruru sapagkat marami siyang gagawin dito na hindi pa niya nagagawa sa kaniyang career.

"This is a political series din, iko-connect din namin 'to sa politics. So maraming mangyayari sa seryeng ito and I am very excited na mai-share ito sa inyo dahil napakagandang teleserye.

"Hindi ito 'yung usual na napapanood natin. I mean, laging sinasabi 'yon ng bawat artista at bawat direktor pero 'di siya 'yung nakasanayan kong gawin.

"Bago 'to, action, may drama, may nakakatakot, may comedy, so lahat mapapanood niyo dito sa teleserye," kuwento niya.

Magsisimula na rin daw ang kanilang lock-in taping para sa Lolong ngayong November.

Kung gusto n'yo rin makabonding ang inyong favorite Kapuso stars online, sumali na sa Kapuso Brigade! Just message them sa Facebook, Twitter, or Instagram: @kapusobrigade.