
Ipinagdiwang ang World Crocodile Day kahapon, June 17.
Layunin nitong magbigay-kaalaman tungol sa mga buwaya, partikular na sa mga species na endangered o nanganganib maging extinct.
Itinuturing na "critically endangered" ang Philippine crocodile o Crocodylus mindorensis sa listahan ng International Union for Conservation of Nature (IUCN).
Ibig sabihin nito, nakitaan ng malaking pagbaba sa populasyon ng mga buwayang ito sa loob ng sampung taon.
Ang pagkasira ng habitat ng mga buwaya at maging ang paglobo ng populasyon ng tao, may epekto rin sa ginagalawang environment ng mga buwaya.
Sa isang research study naman na "A new future for the Philippine crocodile, Crocodylus mindorensis" ng mga ecologist na sina Merlijn van Weerd at Jan van der Ploeg, ang walang habas na pagpatay sa mga buwaya ang isa sa mga pinaka dahilan kung bakit nauubos ang mga buwaya.
Base sa mga kadahilanang ito, tila tao ang pinakamalaking kalaban ng mga buwaya.
Isa ito sa mga bagay na matatalakay sa parating na dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime na Lolong.
Sa kuwento, gagampanan ni Kapuso actor Ruru Madrid ang binatang si Lolong, na may kakaibang kakayanang makipag-usap sa dambuhalang buwayang si Dakila.
Ang serye at si Dakila ay inspired ng totoong buwayang si Lolong na nahuli sa Agusan del Sur noong 2011.
Isa itong saltwater crocodile kaya hindi ito itinuturing na "critically endangered." Gayunpaman, protektado pa rin ito ng Republic Act 9147 o mas kilala sa tawag na Wildlife Act.
Ayon dito, maaaring makulong ng mula anim na buwan hangang isang taon o magmulta ng mula PhP10,000 hanggang PhP100,000 ang sinumang pumatay ng isang wildlife species.
Kapag critically endangered naman ang hayop na pinatay, maaaring makulong ng anim na taon hanggang 12 na taon o magmulta ng PhP100,000 hanggang PhP1,000,000.
Nais ng seryeng Lolong na maipakita kung paano respetuhin ang mga hayop tulad ng buwaya. Bukod dito, nais din nitong mag-udyok sa mga tao na maging maingat at pangalagaan ang ating kapaligiran.
Silipin ang exciting na unang teaser ng serye dito:
Abangan ang biggest primetime adventure series of 2021 na Lolong, malapit na sa GMA!
Samantala, silipin ang gallery na ito para sa iba pang impormasyon tungkol sa upcoming action-adventure series.