What's on TV

Ruru Madrid, ilang teleserye at pelikula ang tinanggihan para sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published June 24, 2022 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Ilang teleserye at pelikula ang pinalampas ni Ruru Madrid para lang matapos ang 'Lolong.'

Hindi mapigilan ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid na maging emosyonal tuwing pinaguusapan ang kanyang upcoming action-adventure series na Lolong.


Marami kasing mga pagsubok ang hinarap ng show tulad ng iba't ibang delays dahil sa lockdowns na dala ng pandemya, pagpopositibo ng cast at crew sa COVID-19, hanggang sa aksidente ni Ruru sa set.


Ngayong malapit nang ipalabas ang Lolong, ibinahagi ng aktor ang kanyang saloobin at mga karanasan habang ginagawa ito sa podcast na Updated with Nelson Canlas.

"Ang daming factors, mga bagay na talagang dapat sumuko na ako. Parang pinapasuko ako ng mundo, 'yun 'yung mga nangyari sa akin, Kuya Nelson. That's why, kuwento ko sa 'yo noong time na sinabi nang 'It's a wrap,' I went straight to my car. Mag-isa lang ako sa kotse, umiyak ako, hagulgol," lahad ni Ruru.

Taong 2019 pa nagsimula ang produksiyon ng Lolong kaya tila guminhawa ang kanyang pakiramdam nang matapos na nila ito.

"Finally, natapos na siya. Ito 'yung totoong years and years [of] preparation," aniya.

Aminado si Ruru na marami rin siyang sinakrispiyong oportunidad para matapos at makumpleto ang Lolong.

"Ilang pelikula ko ang nawala because of this show. Ilang teleserye ang nawala sa akin because of this show. Ilan 'yung mga tinanggihan kong projects because of this show," kuwento ni Ruru.

"Pero kahit na tinanggihan ko 'yun, hindi ako nagsisisi kasi worth it eh. Ganoon siya ka-worth it, ganoon kaganda 'yung show. Right now, iilan pa lang mga pinapakita naming teaser. I would say na magugulat pa ang mundo," dagdag pa niya.

Batid din ni Ruru na tulad niya, marami ring sinakripsyo ang mga taong nakatrabaho niya sa show kaya lubos ang pasasalamat niya sa mga tao sa likod at harap ng camera na hindi bumitaw sa proyekto.

"As in sobrang sarap sa pakiramdam na ang daming mga tao na hindi sumuko. And ayaw namin na mabalewala 'yung efforts nila," saad ni Ruru.

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, dambuhalang adventure-seryes sa primetime, simula July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: