
Ipinagmamalaki ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid ang kanyang upcoming action-adventure series na Lolong.
Masaya daw siya dahil pagkatapos ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan niya at ng buong produkisyon ng show, maipapalabas na ito sa wakas.
"I'm turning 25 this year and this is what I'm doing. Ito 'yung bagay na mahal ko. Ito 'yung bagay na sobrang masaya ko every time na may ginagawa ako. Finally, nakita ko na siya," pahayag ng aktor.
Gaganap si Ruru sa serye bilang Lolong, isang binatang may kakaibang mga kakayanan, kabilang na ang mabilis na mapagaling ang kanyang sarili at ang makipag-usap sa dambuhalang buwayang si Dakila.
Gagamitin niya ang mga kakayanan ito para protektahan at tulungan ang mga kababayan niyang naaapi.
Huwag palampasin ang world premiere ng Lolong ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!
Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: