GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8 (IG)
What's on TV

Ruru Madrid, nilinaw na hindi siya nagiging buwaya sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 4, 2022 3:21 PM PHT
Updated July 4, 2022 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Nilinaw ni Ruru Madrid ang isang misconception sa 'Lolong.'

Magsisimula ngayong gabi, July 4, ang dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.

Bibida rito si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid na gaganap bilang Lolong, isang binata na may kakaibang mga kakayanan, kabilang na ang mabilis na mapagaling ang kanyang sarili at ang makipag-usap sa dambuhalang buwayang si Dakila.

Gagamitin niya ang mga kakayanang ito para protektahan at tulungan ang mga kababayan niyang naaapi.

Bago magsimula ang serye, nilinaw naman ni Ruru ang isang misconception tungkol sa Lolong.

"Maraming mga nababasa ko sa social media na nagta-transform daw ako. magiging buwaya daw ako. Fake news po 'yun. Hindi po totoo 'yun," pahayag ni Ruru.

Sa halip, ang mga abilidad ni Lolong ay dahil mula siya sa lahi ng mga Atubaw, isang fictional na grupo ng mga tao sa serye.

Ipinaliwanag din ni Ruru kung ano at sino ang mga Atubaw.

"Ang mga Atubaw po ay mga lahi po ng mga tao. Sila po ay namuhay nang matagal na kasama po ang mga buwaya. Dahil po sa tagal na 'yun, nakukuha po nila ang ibang mga abilidad ng mga buwaya which is 'yung kakayanan makapagpagaling ng kani-kanilang mga sugat. Ayun po 'yung mga Atubaw," lahad ni Ruru.

Base sa iba't ibang teasers ng Lolong, mauubos ang lahi ng mga Atubaw. Ano ang nangyari sa kanila?

Abangan 'yan sa world premiere ng Lolong, ngayong gabi na, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang ilang nakakamanghang trivia tungkol sa serye dito: