
Ini-welcome ng GMA Telebabad leading ladies na sina Bolera star Kylie Padilla at Love You Stranger star Gabbi Garcia si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid sa pagbabalik niya sa primetime.
Kahapon kasi nagsimula ang kanyang dambuhalang adventure-serye na Lolong na kabilang sa GMA Telebabad, ang primetime lineup ng GMA-7.
Nagbigay ng mensahe si Kylie para kay Ruru na bukod sa isang malapit na kaibigan ay naging leading man din niya sa Encantadia at GMA Public Affairs series na Toda One I Love.
"Hi Ru! Gusto lang kitang i-congratulate. Ito na ang matagal mong pinaghirapan. Talagang minahal mo 'tong project na 'to," mensahe ni Kylie.
Binati naman ni Gabbi si Ruru na leading man niya sa GMA Public Affairs series na Nako, Boss Ko! at ilan pang primetime shows tulad ng Encantadia, Let the Love Begin, at Sherlock Jr.
"Sa lahat ng bumubuo ng 'Lolong,' from the cast, from the production, from the crew, congratulations po sa inyong lahat," ani Gabbi.
Bukod kina Kylie at Gabbi, marami pang celebrity friends na nagpaabot ng pagbati kay Ruru at sa Lolong.
"I would like to congratulate him. He's very very cooperative, very professional. I'm sure this is going to be the start of a wonderful career," papuri ng kanyang Lolong co-star na si Christopher de Leon.
"Congratulations sa 'Lolong' and more power," ani Pokwang na may special cameo appearance sa unang episode ng show.
"Kayang kaya mo 'yang ganyang mga role at alam ko na matagal mo nang inaantay ang pagkakataong 'yan," mensahe naman ng kanyang Running Man co-star na si Buboy Villar.
"Pinagbibidahan ng aking mga pinakamamahal na kaibigan, congratulations sa inyo," lahad naman ni Mikee Quintos na close friend ni Ruru at co-star din niya sa Encantadia.
"Hi Ruru, congratulations sa bago mong project," sambit naman ni Bea Alonzo na nakatakda na ring magkaroon ng show soon on GMA Telebabad.
Hindi rin nagpahuli ang "special someone" ni Ruru na si Bianca Umali.
"Alam ko 'yung lahat ng mga pinagdaanan mo, 'yung hirap at tiyaga. You've done it! To you and your team, congratulations. Sa lahat po ng mga Kapuso, iniimbitahan ko po kayo na sana ay suportahan, mahalin at abangan po natin si 'Lolong,'" mensahe ni Bianca.
Ang Lolong ay kuwento ng binatang si Lolong, played by Ruru, na may kakaibang mga kakayanan--kabilang na ang mabilis na mapagaling ang kanyang sarili at ang makipag-usap sa dambuhalang buwayang si Dakila.
Gagamitin niya ang mga kakayanang ito para protektahan at tulungan ang mga kababayan niyang naaapi.
Mainit naman ang naging pagtanggap ng mga manonood sa unang episode ng Lolong. Nagtala ito ng 17.7% ratings kumpara sa 11.6% ng katapat ng programa ayon sa Nielsen Philippines.
Naging top trending topic din ito sa Twitter Philippines kung saan pinuri ng netizens ang magandang kuwento at nakakamanghang visuals ng serye.
Marami pang dambuhalang sorpresa ang programa kaya patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.