
Milestone daw para sa career ni Kapuso actress Shaira Diaz ang mapabilang sa dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.
Gumaganap siya sa serye bilang Elsie, ang kababata at isa sa love interests ni Lolong na karakter naman ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.
"Maganda 'yung show and isang factor din 'yung gusto kong makatrabaho si Ruru. Ito rin po 'yung first show ko na leading lady ako," pahayag ni Shaira.
Sa ilang episodes pa lang, batid na ng mga manoood na isang supportive na kaibigan si Elsie. Bukod dito, naninidigan din siya para sa mga bagay na pinaniniwalaan niya tulad ng pag-protekta sa mga buwaya sa Tumahan.
Ngayong gabi, July 7, ipapakilala ni Lolong si Elsie sa kaibigan niyang buwaya na si Dakila.
Samantala, kaabang-abang din ang nalalapit na pagdating sa Tumahan ng karakter ni Arra San Agustin na si Bella, isang travel vlogger mula sa Maynila.
Kahit dalawa silang leading ladies ni Ruru, wala raw rivalry sa pagitan nina Arra at Shaira.
"Hindi ko po in-expect na magiging sobrang lalim ng samahan namin. Nag-gain ako ng kapatid. Ang hirap din humanap sa showbiz ng kaibigan na totoo," lahad ni Arra.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Tunghayan din ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Silipin din dito ang beautiful friendship na nabuo sa pagitan nina Shaira at Arra dahil sa programang Lolong dito: