GMA Logo paul salas on lolong
Source: paulandre.salas (IG)
What's on TV

Paul Salas, inilarawan ang paboritong eksena sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 17, 2022 3:05 PM PHT
Updated July 18, 2022 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 29, 2025
No Christmas family visit for Sarah Discaya, says BJMP
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

paul salas on lolong


Umaasa si Paul Salas na tutunghayan ng mga manonood ang paborito niyang eksena sa 'Lolong.'

Lalong nagiging exciting ang mga tagpo sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Sa ikalawang linggo nito, nalaman na ni Lolong, played by Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, ang tungkol sa mga Atubaw, ang lahing pinanggalingan niya.

Nagawa din niyang mailigtas ang mga na-hostage sa isang resort sa Tumahan.

Para sa isa sa lead actors nitong si Christopher de Leon, marami pang exciting na dapat abangan sa pagpasok ng serye sa ikatlong linggo nito.

"It's going to be a roller coaster ride. It's going to be talagang very intense," pahayag ng aktor na gumaganap bilang town mayor na si Armando Banson.

Kuwento naman ni Paul Salas, ikinatutuwa niya na tuwing lumalabas siya, nakikilala siya ng mga tao bilang Martin, ang karakter na ginaganapan niya sa show.

Si Martin ang anak ni Mayor Armando Banson na nangangarap pumalit sa kanyang ama bilang town mayor sa susunod na eleksiyon.

Source: paulandre.salas (IG)

Umaasa si Paul na tutunghayan ng mga manonood ang paborito niyang eksena na ginagawa para sa serye.

"'Yung favorite scene ko, na nakasama ko si Dakila, kami ni Lolong. Basta hindi ko maso-spoil sa kanila, so sana abangnan na lang nila," lahad ng aktor.

Patuloy na panoorin ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras tungkol sa mga dapat pang abangan sa GMA Telebabad ngayong linggo.