What's on TV

Ruru Madrid, masaya sa mainit na pagtanggap ng mga bata sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 21, 2022 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Masaya si Ruru Madrid na pati mga bata ay nag-e-enjoy sa panonood ng 'Lolong.'

Lubos ang pasasalamat ni Kapuso Action-Drama Prince sa naging mainit na pagtanggap ng mga manonood at pati ng mga netizen sa pinagbibidahan niyang dambuhalang adventure-serye sa primetime na Lolong.

Panalo ang Lolong sa ratings at madalas pang trending ang ilang episodes. Mas lalo pang naging masaya si Ruru nang malamang patok na patok din ang show at ang kanyang karakter sa mga bata.

Aliw na aliw ang ilang young viewers sa Lolong crocodile filter na available sa Facebook at Instagram.

Bukod dito, bibong bibo rin ang iba kung gayahin ang action moves ng karakter niyang si Lolong at isinasabuhay ang mga mahahalagang aral ng show tulad ng pagiging matatag at matapang.

"Nakakataba ng puso 'yung mga ganyang klaseng mga balita, 'yung mga ganyang klaseng napapanood po natin sa social media or every time na may mga bata na umiidolo sa'yo kasi ganyan din ako dati. I mean, noong bata ako, naaalala ko noon, ang buhok ko ginaganyan (tinataas) ko dahil ako si Aquano, 'yung 'Atlantika' ni Kuya Dong (Dingdong Dantes)," kuwento ni Ruru.

Nasa ikatlong linggo na ang seryeng Lolong at lalo pang magiging maganda ang kuwento sa pagpasok ng ilang bagong karakter.

Isa na riyan ang mayoral candidate na si Marco Mendrano (Marco Alcaraz). Magkakaroon ng pagsabog sa kanyang campaign headquarters at ang tiyuhin ni Lolong na si Narsing (Bembol Roco) ang mapagbibintangan sa krimen.

Patuloy na tunghayan ang Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 oras sa video sa itaas.