What's on TV

Ruru Madrid, ibinida ang dapat asahang pagbabago sa kuwento ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published August 3, 2022 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Maraming pagbabago daw ang dapat abangan sa kuwento ng 'Lolong,' ayon sa bida nitong si Ruru Madrid.

Nagsimula ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong bilang isang light-hearted show.

Kaya naman patok na patok ito sa mga bata--bagay na ikinatutuwa ng bida ng serye na si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.

"Natutuwa ako sa mga bata na nagse-send sa'kin ng mga litrato nila na suot nila 'yung vigilante look ni Lolong. Nai-inspire sila na ingatan 'yung kalikasan, that's the message na gusto naming iparating sa mga tao," pahayag ng aktor.

Mas marami pa daw dapat abangan sa pagpapatuloy ng kuwento ng Lolong. Marami pa kasing papasol na bagong karakter na magdadala ng mga pagbabago sa kuwento ng serye.

"Ito po 'yung simula ng sobrang mabigat na linggo dahil dito may maglalaglagan at may mamamatay na isang karakter na importante," paliwanag niya.

Samantala, nagsimula na rin ngayong buwan ng Agosto ang "Ready, Pangil, Smile! Lolong Selfie Contest" na naglalayong magbigay ng pasasalamat sa mga avid viewers ng serye.

"Nakakatuwa na ang dami pong ginagwa ng 'Lolong,'hindi lang sa pag-entertain ng tao, hindi lang sa pagbibigay ng aral mula sa programa, kundi nakakatulong pa tayo at the same time," ani Ruru.

Para malaman kung paano sumali sa "Ready, Pangil, Smile! Lolong Selfie Contest" bisitahin lang official Facebook page ng Lolong para sa full mechanics.

Patuloy na tumutok sa Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.