
Sa ikalimang linggo ng Lolong, may magkakampihan at maglalaglagan habang nagpapalit-palit ng alyansa sa Tumahan.
Si Lolong (Ruru Madrid) ang mapagbibintangan sa pagkamatay ng anak ni Abet (DJ Durano) na si Benjo (Luke Conde). Dahil dito, mawawala ang tiwala at amor ni Abet kay Lolong na dati ay itinuturing niyang parang anak na rin.
Mananalo naman si Marco Mendrano (Marco Alcaraz) bilang bagong mayor ng Tumahan. Pero hindi pa man siya umuupo sa puwesto, tila napako na kaagad ang pangako niyang pagbabago dahil kaalyado na pala nito si Armando Banson (Christopher de Leon) na matagal nang naghahari sa Tumahan at ngayon ay bagong halal na gobernador ng probinsiya ng Del Rio.
Panoorin ang highlights ng ikalimang linggo ng Lolong.
Atubaw sa Tumahan, nahuli na ni Lucas
Karina, ilalaglag na si Lolong?
Benjo, kakampi nga ba o kaaway?
Ex-con, balik-kulungan
Lucas, nakalaya mula sa kulungan
Ang katapusan ng vigilante ng Tumahan
Lolong, suspek sa pagpatay kay Benjo?
Karina, natikman ang bagsik ni Madam Dona
Malinis pa kaya ni Lolong ang pangalan niya?
Meet Dona and Armando's new pet
Sino ang pipiliing iligtas ni Karina?
Lolong, suko na sa pagmamahal ng mga taga-Tumahan
Nasirang tiwala, maibabalik pa kaya?
Ano ang itinatagong baho ni Marco?
Dona, patuloy ang pagpapahirap kay Karina
Ang umiinit na tapatan nina Martin at Marco
Mayor Martin v.s. Mayor Marco, sino'ng mananalo?
Ang dating magkalaban, magkakampi na
Martin, nalaman na ang tunay na pagkatao
Karina, makatakas kaya mula sa pagmamalupit nina Dona at Armando?
Patuloy na panoorin Lolong, Lunes hanggang Huwebes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Lolong sa GMANetwork.com/FullEpisodes.