GMA Logo Lolong new characters
Source: vinabrenica / theatolentino / alma.concepcion / rafrafrosell / luchoayala_ (Instagram)
What's on TV

Kilalanin ang mga bagong karakter sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published August 10, 2022 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong new characters


Magiging kaibigan o kaaway ba sila sa bagong yugto ng 'Lolong?'

Malapit nang magsisimula ang bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Dito magiging bahagi ni Lolong, played by Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, ng isang dambuhalang digmaan na magisismula sa pagbabalik ng mga Atubaw.

Sa paglalim ng kuwento ng serye, papasok din ang ilang bagong karakter.

Makikilala na si Diego, karakter ni Vin Abrenica, ang nawawalang boyfriend ni Bella (Arra San Agustin). Siya ang leader ng mga Atubaw na maghihingati sa mga Banson dahil sa pag-ubos sa kanilang lahi.

"Isa akong Atubaw. Isa siyang leader. Na-witness niya lahat ng pang-aapi sa mga Atubaw so malalim talaga ang galit ni Diego. 'Di din natin alam din dito, 'di ko pa kaya i-disclose, kung magiging kasangga ba siya or magiging kalaban ba siya. We'll see," pahayag ni Vin tungkol sa kanyang karakter.


Si Thea Tolentino naman ang gaganap bilang Celia, isang Atubaw na handang lumaban para sa kanilang lahi.

"Ako naman po dito si Celia. Ako po ay isang Atubaw at magdadala po ako ng isang batang Atubaw. Ang ama po ng dinaala ko ay si Diego, si Vin. As the story progresses po, malalaman niyo kung anong magiging role ng aking anak. Si Diego ay long lost lover ni Bella, ni Arra, kaya abangan niyo kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang kami ni Diego ay mag-asawa na," paliwanag nama ni Thea.

Magiging bahagi rin ng serye si Alma Concepcion na gaganap bilang Ines, kapatid ni Raul (Leandro Baldemor). May kakalungan man sa pag-iisip, isang malaking sikreto ang hawak niya.

"Ang karakter ko po ay si Ines. Siya po ang tiyahin ni Lolong. Marami pang hindi alam si Lolong tungkol sa tribo ng Atubaw. He will reconnect to his roots. Isa ako sa makaka-relay sa kanya [ng kaalaman]. Si Ms. Ines medyo may pagkukulang sa pag-iisip pero in the end, madi-discover din nila 'yung talagang full powers ng mga Atubaw," lahad ni Alma.

Mas makikilala na rin ang kura paroko ng Tumahan na si Father Reyes, played by Rafael Rosell. Bilang alagad ng Diyos, pantay ang tingin niya sa lahat ng nilikha. Magagawa kaya siyang ipitin ng mga Banson?

"'Yung character ko dito ay si Father Reyes. Relocated siya na pari, napapad sa Tumahan. Naniniwala po siya na lahat ng buhay ay bigay ng Diyos kaya dapat lahat ng buhay--puno man 'yan, ilog, insekto, buwaya, tao, Atubaw--dapat lahat 'yan protektahan. So 'yung story ng character ko ay nagre-revolve doon sa mga buhay na dapat niyang protektahan bilang trabahador ng Diyos," bahagi ni Rafael.

Si Lucho Ayala naman ang gaganap bilang Victor, isang mangangarit at matalik na kaibigan ni Abet (DJ Durano). Ano kaya ang papel niya sa paparating na dambuhalang digmaan?

"Ang karakter ko dito ay si Victor. Hindi po ako Atubaw pero isa po akong mangangarit na naninirahan din po sa bayan kung saan nakatira din sina Lolong. Sa mga panganib na pagdadaanan ni Lolong, tutulong din ako sa kanya pero not in the sense na makikipaglaban din po ako. Mag-iiba 'yung ihip ng hangin dito. May twist din 'yung character ko dito so 'yun ang dapat abangan," kuwento naman ni Lucho.

Magiging kaibigan ba sila o kaaway ni Lolong?

Abangan 'yan sa bagong yugto ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.