
Magsisimula na ang bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.
Sa pagputok ng dambuhalang digmaan, patuloy na malalagas ang buhay ng mga taga-Tumahan.
Nauna nang bumagsak sina Benjo (Luke Conde) at Lucas (Ian de Leon). Sino ang susunod sa kanila?
Isang malaking desisyon din ang nakasalalay kay Lolong (Ruru Madrid).
"Ngayon Lolong, mamili ka. Sino ang ang ise-save mo?" tanong sa kanya ni Dona (Jean Garcia).
Patuloy na tumutok sa bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.