
Maraming Pilipino ang naaabot ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.
Ayon sa tala ng Nielsen Philippines mula August 15 hanggang August 19, mahigit 13 milyong manonood ang tumutok sa bawat episode ng serye.
Ang Lolong din ang most-watched television program ng 2022 ayon sa talaga ng Nielsen Philippines mula January 1 hanggang August 14.
Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood, maraming mga sorpresa ang inihanda ng programa bilang pasasalamat.
Isa na riyan ang paglipad sa himpapawid ni Lolong lead star at Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid kasama ang crocodile mascot na si Dakila, pati na ang paghahatid nila ng mga regalo sa ilang manonood sa Quezon City.
Samantala, sumiklab na ang digmaan sa pagitan ng mga Atubaw at ng mga mapakpangyarihang pamilya Banson sa ika-walong linggo ng serye.
Ngayong bumagsak na si Diego (Vin Abrenica), sino na ang mamumuno sa paghihiganti ng mga natitirang Atubaw?
Alamin 'yan sa pagpapatuloy ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.