
Lalong lalaki ang panganib sa buhay ng mga Atubaw sa most-watched television program of 2022 na Lolong.
Isisiwalat ni Armando (Christopher de Leon) sa publiko ang katauhan ng mga natitirang Atubaw sa Tumahan.
Hindi na lang personal ang laban ni Armando dahil gagamitin niya ang puwersa ng batas para tugisin sina Lolong (Ruru Madrid), Karina (Rochelle Pangilinan), Celia (Thea Tolentino) at Ines (Alma Concepcion).
Bukod dito, katatakutan din ng mga tao ang mga Atubaw at ituturing silang mga halimaw.
Makikilala rin ni Ines si Dolores (Maui Taylor) at ito ang ituturo niyang kumuha sa anak ni Raul (Leandro Baldemor). Ano ang ibig sabihin nito para kay Lolong?
Samantala, isang matibay na alyansa rin ang nanganganib mabubuwag.
Patuloy na panoorin ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.