
Ngayong September 30 na ang season finale ng most watched television program of 2022 na Lolong.
Ibinahagi ng mga bida nitong sina Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid at award-winning veteran actor Christopher de Leon ang mga dapat abangan dito.
Isa na dito ang fight scene sa pagitan ng mga karakter nilang sina Lolong at Armando. Sina Ruru at Christopher mismo ang nag-perform dito at hindi sila gumamit ng doubles.
"Its going to be very very entertaining saka very thrilling. I enjoyed every minute of it. Sobrang bilis nitong si señor Ruru and at the same time, very precise," papuri ni Christopher.
Isang malaking karangalan daw para kay Ruru na makatrabaho ang isang aktor na tulad ni Christopher.
"Maha-highlight din dito talaga yung skill din ni sir Bo bilang isang action star din. Dama mo sa eksena talaga. Ipapa-feel niya sayo na ako 'yung kalaban mo," kuwento ni Ruru.
"I tried my best. Alam mo, totoo Ru, 'nung gitna ng fight scene natin, nagdadasal na 'ko noon," biro ng beteranong aktor.
Samantala, bilang pasasalamat sa suportang patuloy na natatanggap ng Lolong, muling ipinarada si Dakila, ang 22-foot animatronic crocodile.
Namataan siya sa Liwasang Bonifacio at sa Dolomite Beach sa Maynila. Nagpasaya rin ang mga bida ng Lolong sa isang mall show sa Angeles, Pampanga.
"Sobrang worth it lahat ng 'yun dahil sa pagmamahal at suporta na binibigay n'yo sa amin. Mayroon kaming gustong mensahe na iparating sa mga manood, ayun 'yung pangangalaga sa kalikasan natin," ani Ruru.
Patuloy na panoorin ang dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.