
Ngayong gabi, September 30 ang season finale ng most watched television program of 2022 na Lolong.
Mainit ang nating pagtanggap ng mga Pilipino sa serye. Umabot nang mahigit 14 million veiwers ang tumututok sa serye gabi-gabi, ayon sa tala ng Nielsen Philippines.
Consistent din ang taas ng ratings nito na umabot sa 18.9 na pinakaataas sa buong run ng serye.
Dahil diyan, lubos ang pasasalamat ng bida nitong si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid.
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
"We're very thankful sa lahat po ng mga sumusuporta sa Lolong. Nakakatuwa na buong pamilya po ang sumusuporta dito sa Lolong. Every time na may pinupuntahan po kaming mga tahanan para po sorpresahin sila doon, magmula po sa mga lola't lolo hanggang sa kanikanilang mga anak, hanggang po sa kanilang mga apo, pinapanood po nila ang Lolong," pahayag ni Ruru.
Sa pagtatapos ng unang season ng serye, umaasa si Ruru na nakapaghatid ito ng kasiyahan sa gitna ng panahon na puno ng hamon.
"Hindi po namin in-expect na ganito niyo po mamahalin ang aming proyekto. For us, gusto lamang po namin makapagbigay ng bagong programa dahil nanggaling tayo sa lockdown. For how many months, na-stuck lang tayo sa mga tahanan natin at hindi natin alam kung anong mga nangyayari sa labas. We wanted na makapagbigay ng bagong programa, a very refreshing show para po sa mga manonood dahil deserve po nila 'yun. We're just very thankful sa suporta na binigay po niyo sa aming lahat," lahad ng aktor.
Kumpirmado rin na magkakaroon ang show na pangalawang season.
"Sa ngayon, ang masasabi lang po namin ay naghahanda na po ang Team Lolong para po diyan kaya abangan niyo," ani Ruru.
"Malaking factor 'yung Punong Buwaya which is si Dakila. Nagulat ako na puwede pa palang itawid doon, meaning kung sakali man na magkaroon ng book 2, puwede pang magkaroon ng book 3, puwede pang magkaroon ng book 4 kasi ganoon kalawak 'yung istorya ng Lolong," dagdag pa niya.
Samantala, haharapin ni Lolong ang pinakamalakas niyang kaaway--si Armando (Christopher de Leon) na tuluyan nang naging halimaw matapos magsalin ng dugo mula kay Dakila.
Huwag palampasin ngayong gabi, September 30 ang dambuhalang season finale ng Lolong, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.