
Mas pinalaki at mas pinalakas ang cast para sa pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime ng 2022's most watched TV show na Lolong. Pinamagatang Lolong: Bayani ng Bayan ang pangalawang season ng programa.
Magbabalik dito si primetime action hero Ruru Madrid para muling gumanap bilang ang bidang si Lolong.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, gagamitin ni Lolong ang kanyang mga kakaibang abilidad bilang isang Atubaw para protektahan ang bayan ng Tumahan.
Kasama ang mga kaibigan, magkakaroon sila ng mga bagong kakampi at mga bagong kalaban.
Kabilang ang aktres na si Nikki Valdez sa mga bagong miyembro ng cast ng Lolong: Bayani ng Bayan.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Nikki ng ilang litrato mula sa ginanap na cast reveal at story conference ng programa kamakailan.
"Yes, I made it to this side! 🌈 So looking forward!
"NAGBABALIK ANG BAYANI NG BAYAN-- LOLONG!
"Narito ang buong cast ng pinakaaabangang dambuhalang serye ng GMA Public Affairs sa GMA Prime!
#LolongBiggestComeback," sulat niya sa caption ng kanyang post.
Gaganap si Nikki Valdez bilang Jessabel, isa sa mga tiyahin ni Lolong na dadayo sa Tumahan para makasama siya at ang nakakatandang kapatid na si Tiya-Ninang Isabel.
KILALANIN ANG CAST NG LOLONG: BAYANI NG BAYAN SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.